Imbitasyon ni Trump, tinanggap na ng Thai PM; Duterte nagdadalawang-isip pa

By Kabie Aenlle May 02, 2017 - 04:25 AM

 

Duterte in Thailand 2017Tinanggap na ni Thai Prime Minister Prayuth Chan-o-cha ang imbitasyon ni US President Donald Trump sa White House.

Ito’y matapos tawagan ni Trump ang mga kaalyadong bansa ng Estados Unidos sa Southeast Asia, upang panatilihin ang magandang ugnayan sa pagitan ng mga bansa.

Bukod kay Chan-o-cha, kinumbida rin ni Trump si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong sa parehong dahilan.

Ginawa ni Trump ang mga imbitasyon kasunod ng pag-imbita niya rin kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa US.

Samantala, hindi pa naman tiyak si Pangulong Rodrigo Duterte kung tatanggapin ang imbitasyon ni Trump na bumisita a Washington.

Dagdag ni Duterte, hindi pa ito makapangako na tutungo sa Amerika upang makaharap si Trump dahil nakatakda rin itong pumunta sa Russia at Israel.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.