Mga pribadong kumpanya, pinaaalis na sa mga lupain ng gobyerno

By Kabie Aenlle May 02, 2017 - 04:04 AM

 

duterte may1Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kumpanya na ginagamit umano ang mga lupain ng pamahalaan upang makalusot sa pagbabayad ng buwis.

Banta ni Duterte, kung hindi ibabalik ng mga kumpanya sa pamahalaan ang mga lupa, sasabihan niya ang mga mamamayan na okupahin ang mga lupaing pag-aari naman ng mga ito.

Ayon pa kay Duterte, maaring pagpilian ng mga tao ang mga ari-arian na nasa Makati o Pasay City para okupahin.

Binigyan lamang ng pangulo ng tatlong buwang ultimatum ang mga kumpanya para sundin ang kanilang obligasyon.

Samantala, nilinaw rin ni Pangulong Duterte sa talumpati niya kahapon na hindi siya nainis sa pag-okupa na ginawa ng mga miyembro ng Kadamay.

Ito aniya ay dahil mismong ang kaniyan pamilya ay nakaranas ng demolition sa Davao City noong 1949.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.