‘Laboracay’, nag-iwan ng tone-toneladang basura sa isla

By Inquirer, Jay Dones May 02, 2017 - 04:16 AM

 

boracay basuraBagama’t masaya ang nakararaming mga residente at mga negosyante sa pagdagsa ng maraming turista sa isla ng Boracay, problemado naman ang mga ito dahil sa dami rin ng basurang iniwan ng mga ito sa pangunahing tourist destination ng bansa.

Tinatayang umaabot sa 60,000 mga turista ang dumagsa nitong nakaraang linggo sa isla na isinabay sa mahabang weekend bunga ng ASEAN summit at Labor Day na tinaguriang ‘Laboracay’.

Karamihan sa mga dumayo sa isla ay mga lokal na turista na sinamantala ang long weekend.

Dahil sa dami ng tao, at mga kasiyahan sa Laboracay, hindi naiwasan ang maraming mga basurang iniwan dito ng mga turista.

Partikular na naapektuhan ng matinding basura ang White Beach na pangunahing atraksyon sa isla.

Bukod sa mga bote ng alak at beer, napakaraming upos ng sigarilyo ang walang habas na itinapon ng mga turista sa puting buhangin.

Dati nang problema ang isyu ng polusyon at basura sa Boracay dahil sa dami ng mga turistang dumadayo taun-taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.