Libu-libong trabaho para sa mga Pinoy, pangako ni Duterte

By Jay Dones May 02, 2017 - 03:44 AM

 

workers rallyLibu-libong trabaho para sa mga Pilipino ang naging pangakong binitiwan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mensahe sa mga manggagawa sa paggunita sa Araw ng Paggawa kahapon.

Sa kanyang mensahe kahapon para sa manggagawa, sinabi ng pangulo na malaki ang kontribyusyon ng mga ito sa pagpapalakas at pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.

Dahil dito, nangako ang pangulo na patuloy na poproteksyunan ang kapanakanan ng mga manggagawa.

Nangako rin itong tutuparin ang naunang pangako noong panahon ng kampanya na ipahihinto ang end of contract o ‘endo’.

Gayunman, humingi ito ng kaunti pang panahon sa mga manggagawang apektado ng ‘endo’ dahil kinakailangan pa aniya ng dagdag na pag-aaral ukol dito.

Kinakailangan pa aniya ng kaukulang ‘adjustment period’ sa panig ng mga investors bago maipatupad ng tuluyan ang pagbabawal sa ‘endo’.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.