Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na maari nang kunin ng mga botante ang kanilang mga voters’ identification cards mula sa kanilang mga local election officers.
Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, pwede na magtungu ang mga botante sa mga office of the election officer sa kanilang bayan o lungsod upang makuha na ang kanilang mga ID.
Sa kaniyang Twitter account, ibinahagi pa ni Jimenez ang mga litrato ng ilan sa mga unclaimed na IDs sa isang local election office na kaniyang binisita noong Sabado, na huling araw rin ng voter registration.
Ani Jimenez, napakarami pang mga voters’ ID ang hindi pa rin kinukuha mula sa ilang local election offices sa buong bansa.
Una nang sinabi ni COMELEC chairperson Andres Bautista na nasa siyam na milyon voter’s ID pa ang hindi nakukuha mula sa mga local COMELEC offices sa buong bansa.
Dahil dito, pinayagan na nila ang mga local election officers na ipamigay na rin ang mga ito sa mga may-ari noong kasagsagan ng satellite registrations.
Ngunit dahil tapos na ang registration, maari na lang nila itong kunin ngayon sa mga local COMELEC offices.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.