E.O kontra Endo, unyon para sa mga empleyado sa gobyerno ipinangako ng pangulo
Magpapalabas si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang executive order na magpapatupad ng istriktong implementasyon na magbabawal sa “Endo”.
Sa talumpati ng pangulo kaugnay sa Labor Day sa People’s Park sa Davao City, sinabi nito na kukuha siya ng karagdagang labor inspector para magbantay sa iba’t bibang kumpanya sa bansa.
Nakiusap din ang pangulo sa mga labor union na magsagawa ng pag-iinspeksyon sa mga establisyemento.
Apela ng pangulo sa samahan ng mga manggagawa, magbigay ng tamang report dahil kapag inadopt niya ang report at napahiya lamang siya tiyak na magkakaroon ng problema ang working relationship ng pamahalaan at ng labor unions.
Nanindigan ang pangulo na pursigido siyang tuldukan ang contractualization.
Raratipikahan na rin ng pangulo ang International Labor Organization Convention Recommendation 151 na pumapayag sa mga government workers na bumuo ng unyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.