Watch: U.S Embassy nilusob ng mga miyembro ng militanteng grupo
Hindi nakaporma sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang mga miyembro ng Kilusang Mayo Uno na nagtangkang makalapit sa US Embassy.
Kaagad hinarang ng mga pulis ang mga raliyista sa T.M Kalaw makalagpas ng National Library.
Ayon kay Roger Suleta, vice chairperson ng KMU na ang kanilang pagkilos ay upang pahintuin ang pakikialam ng U.S sa panloob na usapin ng Pilipinas.
Sinabi ni Suleta na dinidiktahan ng US ang Pilipinas sa patakaran nito pati na sa mga manggagawa.
Matapos ang kalahating oras na programa nilisan din ng nasa 800 na raliyista ang lugar at nagmartsa patungo sa Liwasang Bonifacio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.