Kabilang ito sa mensahe ni Robredo sa pagdiriwang ngayong araw ng Labor Day.
Ayon kay Robredo, nakikiisa siya sa lahat ng mga manggagawang Pilipino sa buong mundo sa pagdiriwang ng “Araw ng Paggawa.”
Sinabi ng pangalawang pangulo na ito ang natatanging araw kung kelan kinikilala at itinataas ang napakahalagang papel at kontribusyon ng mga manggagawa sa lipunan at kasaysayan bilang isang bansa.
Panahon din aniya ito para ating balikan at suriin ang mga repormang naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa kabilang ang layuning tapusin ang Endo sa bansa at tiyaking hindi naaabuso ng mga kumpanya ang sistema ng kontraktuwalisyon..
Dagdag pa nito ang pagtatag ng ekonomiya ng bansa ay bunga ng pagsisikap at pagtitiis ng mga manggagawa kaya higit sa pasasalamat, nararapat lamang na pag-ibayuhin ang pangangalaga sa kanilang mga karapatan at kapakanan.