Mabilis na pagkasira ng Banaue Rice Terraces ibinabala

By Den Macaranas May 01, 2017 - 04:59 PM

Banaue
Inquirer file photo

Aminado si Banaue Mayor Jerry Dapilog na unti-unti nang nasisira ang Banaue Rice Terraces dahil na rin sa kapabayaan ng kanyang mga kababayan.

Marami umano sa mga nagmamay-ari ng lupain sa nasabing lugar ang pinabayaan na ang kanilang mga nasasakupang ari-arian.

Ipinaliwanag ng opisyal na kulang din ang nakalaang pondo galing sa kanilang Internal Revenue Allotment para ayusin ang isa sa mga itinuturing na cultural heritage ng bansa.

Sinabi ni Dapilog na malaking tulong ang ginagawa ng Special Operations Group ng Philippine Army na siyang tumutulong para mapanatili ang ganda ng Banaue Rice Terraces.

Pinakiki-usapan rin nila ang mag turistang nagpupunta sa lugar na iwasan ang pagkakalat at paglalakad sa mga palayan sa taas ng bundok.

Kasabay nito ay umapela sa pamahalaan ang lokal na pamahalaan ng Banaue para tumulong sa pagpapanitili ng kaayusan nito.

TAGS: Army, banaue, rice terraces, Army, banaue, rice terraces

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.