DFA naghahanda na sa pagbisita ni Duterte sa U.S

By Den Macaranas May 01, 2017 - 04:41 PM

trump-duterte.jpg (1)
Inquirer file photo

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang “urgent call” ang imbitasyon ni U.S President Donald Trump para dumalaw sa kanilang bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ipinaliwanag ni DFA Spokesman Robespierre Bolivar na hinihintay na lamang nila ang opisyal na komunikasyon mula sa Malacañang kaugnay sa imbitasyon ni Trump.

Sa pagtatapos ng ASEAN Summit na ginanap sa bansa ay nagkaroon ng pag-uusap sa telepono sina Duterte at Trump kung saan ay binanggit ng pangulo na gusto ng U.S President na makausap siya hingil sa ilang isyung may kinalaman sa seguridad sa South East Asia.

Gusto rin daw ni Trump na mapag-usapan kasama ang ilang Asian leaders ang isyu sa Korean Peninsula.

Kanina ay sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na malaki ang posibilidad na tanggapin ng pangulo ang paanyaya ni Trump kahit na patuloy ang pagbatikos nito sa pamahalaan ng America.

Nauna nang sinabi ni White House Chief of Staff Reince Priebus na malaki pa rin ang kanilang pag-asa na mas lalo pang tatatag ang ugnayan ng U.S at Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration.

Ito ay sa kabila ng mga hayagang pag-atake ng pangulo sa ilang polisiya ng U.S.

TAGS: Asean, DFA, duterte, trump, White House, Asean, DFA, duterte, trump, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.