De Lima nakipagpulong sa ilang kaalyadong senador sa Camp Crame

By Ruel Perez May 01, 2017 - 03:12 PM

LP De Lima
Inquirer file photo

Pasado alas-onse ng umaga nang halos magkakasabay na dumating  sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame ang apat na mga senador para dumalaw kay Sen Leila de Lima.

Naunang dumating si Sen Antonio Trillanes na sinundan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon at Liberal Party President Sen Kiko Pangilinan.

Kasunod naman nito si Sen Risa Hontiveros.

Noong Holy Week, dumalaw din umano kay Sen de Lima si Sen Bam Aquino.

Ayon kay Pangilinan, nasa maayos na kundisyon naman si De Lima at masaya ito dahil nabawasan ang kanyang stress dahil walang mga gadgets tulad ng celphone at laptop.

Naistress lamang umano si De Lima kapag nakakapanuod ng balita.

Sinamantala na rin ng mga dumalaw na mambabatas na magsagawa ng caucus kaugnay sa ilang mga panukala na may kaugnayan sa tax-related bills at pagsasa-ayos ng tax revenue code.

Sinasabing napag-usapan rin sa pulong ang posisyon ng mga mambabatas sa panukalang muling pagbuhay sa death penalty.

TAGS: Camp Crame, custodial center, de lima, liberal party, Camp Crame, custodial center, de lima, liberal party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.