3 katao, patay sa magkakahiwalay na pananambang sa Pangasinan

Police banner
Police banner

Patay ang tatlong katao sa magkakahiwalay na pananambang sa lalawigan ng Pangasinan noong nakaraang Linggo.

Unang nabiktima si Lucina Carulla, 67-taong gulang. Nakaupo si Carulla sa tapat ng gate ng kanyang bahay sa Barangay Guiset Norte sa bayan ng San Manuel nang tambangan ng riding in tandem dakong 4:45 ng hapon.

Namatay si Carulla habang isinusugod sa ospital.

Matapos ito, dead-on-the-spot naman si John Carlo Zarate Dacasin, 31-taong gulang, nang tambangan lalaking naka-bonnet dakong 6:15 ng gabi.

Nakikipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang kaibigan sa Barangay Poblacion Norte, Santa Barbara nang lapitan ng suspek.

Dakong 8:15 naman ng gabi, pinasok ng isa pang suspek ang bahay ni Louie Vallo, 36 na taong gulang, sa Barangay Mancup sa Calasiao.
Binaril ng suspek ang biktima habang nanonood ng telebisyon si Vallo kasama ang kanyang walong taong gulang na anak.

Patay na nang dumating sa ospital si Vallo.

Read more...