Mga paaralan at government buildings, kabilang sa mga nasira ng Magnitude 7.2 na lindol sa Davao

By Mariel Cruz May 01, 2017 - 11:11 AM

Davao lindol1
FILE PHOTO

Nasira din ang ilang mga paaralan, ospital at government buildings nang tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao, umaga ng Sabado.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlong paaralan ang lubhang napinsala at pitong iba naman ang bahagyang nasira sa South Cotabato at General Santos City.

Bukod sa nasirang seaport sa probinsya ng Sarangani, bahagyang nasira din dahil sa lindol ang municipal hall at municipal police station sa bayan ng Glan.

Maging ang warehouse ng isang softdrink at ang gusali ng Philippine Port Authority sa bayan ng Glan ay nasira din dahil sa naturang lindol.

Iniulat din ng NDRRMC na nagkaroon ng minor cracks at nabasag ang salamin na bintana sa city hall ng General Santos City.

Pitong sari-sari stores naman sa Barangay Dadiangas South sa lungsod pa rin ng General Santos ang lubhang napinsala.

Bukod sa mga napinsalang establisyimiento, iniulat ng NDRRMC na lima katao kabilang na ang isang sanggol sa South Cotabato at Sarangani ang nasugutan dahil sa lindol.

Bandang 4:23 ng madaling araw ng Sabado nang yanigin ng magnitude 7.2 na lindol ang Davao, kung saan naitala ang epicenter sa 53 kilometers southwest ng Sarangani sa Davao Occidental.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.