Inilunsad na ng China ang world’s largest amphibious aircraft na AG600, na ginawa mismo sa kanilang bansa.
Pinalipad ang AG600 sa kauna-unahang pagkakataon nang mas maaga kaysa sa nakatakda nitong flight sa Sabado, mula sa Zhuhai city.
Idinisenyo ang AG600 para apulahin ang mga forest fires at magsagawa ng mga rescue missions sa dagat.
Pero ayon sa Xinhua News Agency, maari din nila itong gamitin sa pagpapatrulya at pagbabantay sa karagatan.
Pinalipad ng China ang AG600 sa gitna ng mga isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea, kung saan patuloy silang nagtatayo ng mga pasilidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.