Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho sa first quarter ng 2017.
Ito ang resulta ng sa panibagong survey ng Social Weather Stations o SWS.
Batay sa survey, bumaba sa 22.9 percent, o katumbas ng 10.4 million na Pinoy ang walang trabaho.
Sa resulta ng survey na isinagawa sa fourth quarter ng 2016, lumabas na nasa 25.1 percent o 11.2 million pa ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.
Sa first quarter survey ng 2017, 11.2 percent o 5.1 million na adult ang boluntaryong umalis sa kanilang trabaho, 8.6 percent o 3.9 million ang nawalan ng trabaho dahil sa personal na dahilan, at 3.1 percent o 1.4 million ang mga first time job seeker.
Ipinaliwanag ng SWS na magkaiba ang depinisyon nila sa “joblessness”, sa depinisyon ng gobyerno sa “unemployment”.
Ayon sa SWS, ang kahulugan ng “joblessness” ay mga taong walang trabaho sa ngayon at naghahanap pa lang ng mapapasukan.
Hindi aniya sakop nito ang mga hindi nagta-trabaho, at hindi naghahanap ng trabaho.
Samantala, bumaba din ang bilang ng mga Pinoy na umaasang magkakaroon ng trabaho sa susunod na labindalawang buwan.
Bumaba sa 44 percent ang job optimism sa first quarter ng 2017, kumpara sa 48 percent noong 2016.
Mula 12 percent noong nakaraang taon, tumaas sa 15 percent ang mga naniniwalang kakaunti ang mga trabaho sa susunod na taon.
Isinagawa ng SWS first quarter jobs survey noong March 25 hanggang 28, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 adult respondents sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.