North Korea situation, sentro ng imbitasyon ni Trump kay Duterte-White House

 

Ang pag-imbita ni US President Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte ay bahagi ng pagsusumikap ng Amerika na kunin ang suporta mga kaalyadong bansa sa Asya dahil sa patuloy na tensyon na pinatataas ng North Korea sa naturang rehiyon.

Ito ang paliwanag ni White House chief of staff Reince Priebus sa imbitasyon ni Trump kay Pangulong Duterte na bumisita sa Amerika sa Nobyembre.

Noong nakaraang Sabado, tinawagan ni Trump si Duterte at tinalakay ang imbitasyon nito na bumisita sa Washington.

Sa panayam ng ABC kay Priebus, sinabi nito na ang imbitasyon ay hindi sumesentro sa mistulang pagkilala sa marahas na giyera kontra droga ni Pangulong Duterte at sa halip, mas binibigyang bigat dito ang sitwasyon sa North Korea.

Dagdag pa ni Priebus, seryoso ang nangyayari ngayon sa North Korea kaya’t kinakailangang suportado ng magkaka-alyadong bansa ang iisang plano sakaling tuluyang tumindi ang sitwasyon.

Read more...