Records officer, pinaiimbestigahan ng Ombudsman dahil sa delay sa mga kaso

By Kabie Aenlle May 01, 2017 - 04:19 AM

 

Ombudsman11Isinailalim na sa imbestigasyon ang isang records office ng Office of the Ombudsman dahil sa pitong-buwang pagkakaantala ng paghahain ng mga kasong kriminal na may kinalaman sa Mamasapano incident sa Sandiganbayan.

Kamakailan lang ay dumarami ang pagkabasura sa mga high-profile cases sa anti-graft court dahil sa “inordinate delays” sa kasagsagan ng imbestigasyon.

Kinumpirma ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na nahaharap ngayon sa proceedings sa Internal Affairs Board (IAB) si Office of the Special Prosecutor (OSP) records officer Alma Cagat-Cagat.

Ayon sa namumuno ng IAB na si Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera, kabilang sa mga posibleng maging parusa kay Cagat-Cagat ay ang pagkakasibak sa serbisyo.

Ito ay kung mapapatunayan na may pananagutan si Cagat-Cagat sa pagkakaantala ng mga kaso.

Posible aniyang maharap sa mga kasong gross neglect of duty, at gross misconduct si Cagat-Cagat.

Nag-ugat ang imbestigasyon kay Cagat-Cagat, matapos maisampa ang kasong graft at usurpation of authority laban kina dismissed Philippine National Police director general Alan Purisima at dating Special Action Forces director Getulio Napeñas nito lamang Enero 24, bisperas ng ikalawang anibersaryo ng Mamasapano incident.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.