1 pulis patay sa pagsalakay ng NPA sa mga pulis sa Quirino

By Kabie Aenlle May 01, 2017 - 04:21 AM

maddalla quirinoIsang pulis ang nasawi nang salakayin ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang Maddela police station sa lalawigan ng Quirino, Sabado ng gabi.

Kinilala ang pulis na si PO3 Jerome Cardenas na nasawi nang sumugod ang mga rebeldeng kabilang sa NPA Venerando Villacillo Command.

Samantala, nilinaw naman ng Quirino police na hindi dinukot ang hepe ng Maddela police na si Chief Insp. Jhun Jhun Balisi.

Ito’y matapos lumabas ang mga ulat na dinukot ng nasa 100 rebelde si Balisi nang sumalakay ang mga rebelde para manguha ng mga armas at mga dokumento.

Ayon kay Quirino police information officer Chief Insp. Avelino Cuntapay, nausap pa nga niya sa telepono si Balisi gabi ng Linggo, upang tanungin ang kalagayan nito.

Tinangay rin ng mga rebelde ang dalawang patrol vehicles ng mga pulis, na kalaunan ay magkahiwalay na narekober sa mga barangay ng Cabua-an at San Pedro.

Kinumpirma naman ng NPA ang pag-atake, at sinabing ginawa nila ito dahil sa all-out war laban ng pamahalaan laban sa mga rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.