Naniniwala si US President Donald Trump na pini-pressure ni Chinese president Xi Jinping ang North Korea upang isulong nito ang kanilang missile at nuclear weapons program.
Sa panayam ng “Face the Nation” ng CBS, sinabi ni Trump na hindi niya ikasisiya kung sakaling maglunsad ng nuclear test ang North Korea, at hindi rin ito ikatutuwa ng China.
Gayunman, hindi naman tuluyang tinukoy ni Trump kung mangangailangan ng military action mula sa Amerika kung magsasagawa ng nuclear test ang North Korea.
Noong Sabado, muling pumalya ang isang mid-range ballistic missile na pinalipad ng North Korea.
Gayunman, nagpapahatid pa rin ito ng mariing paglabag sa ban ng United Nations laban sa pagsasagawa ng mga ballistic missile test ng North Korea.
Bilang pagtugon naman sa ginagawang missile testing ng North Korea, nagpadala na ng mga THAAD o Terminal High Altitude Area Defense System sa bayan ng Seongj, sa South Korea.
Layon ng THAAD na i-intercept ang anumang missile na posibleng idirekta ng North Korea sa South Korea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.