Ayon kay dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, dahil sa maluwag na pagtanggap ng Duterte administration sa China, malaki ang posibilidad na nawala na ang ‘leverage’ ng Pilipinas sa naturang isyu.
Tinutukoy ni Del Rosario ang naging pinal na mensahe ni Duterte sa pagtatapos ng 30th ASEAN summit kung saan hindi nito binanggit ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal sa isyu ng pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea.
Dahil aniya sa kabiguan ng pangulo na banggitin ang naturang isyu, posibleng tinatahak na ng Pilipinas ang isang landas kung saan hindi na maaring umatras pa, pahayag ni Del Rosario.