Pilipinas, posibleng tinatahak na ‘delikadong landas’ sa isyu ng China-Ex-DFA Del Rosario

By Jay Dones May 01, 2017 - 04:23 AM

 

Albert-del-rosarioMistulang nawala na ang ‘advantage’ ng Pilipinas nang paboran ito ng UN arbitral tribunal dahil sa hindi pagtukoy ng sitwasyon sa South China o West Philippines Sea sa kanyang inilabas na statement sa katatapos lamang na ASEAN Summit.

Ayon kay dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, dahil sa maluwag na pagtanggap ng Duterte administration sa China, malaki ang posibilidad na nawala na ang ‘leverage’ ng Pilipinas sa naturang isyu.

Tinutukoy ni Del Rosario ang naging pinal na mensahe ni Duterte sa pagtatapos ng 30th ASEAN summit kung saan hindi nito binanggit ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral tribunal sa isyu ng pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea.

Dahil aniya sa kabiguan ng pangulo na banggitin ang naturang isyu, posibleng tinatahak na ng Pilipinas ang isang landas kung saan hindi na maaring umatras pa, pahayag ni Del Rosario.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.