Isang labor group, umaasa ng magiging makabuluhan ang “surprise Labor Day gift” ni Duterte

By Angellic Jordan April 30, 2017 - 05:56 PM

WORKERSUmaasa ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na magiging makabuluhan ang “surprise Labor Day gift” ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mangagawa bukas, Labor Day.

Ayon kay TUCP spokesperson Alan Tanjusay, nakapagsumite ang grupo ng 11-point agenda sa pangulo 2 buwan na ang nakakalipas kasama ang kontraktuwalisasyon at dagdag-sahod.

Kasunod nito, umaasa aniya ang grupo ng positibong resulta.

Sinabi rin ni Tanjusay na ikatutuwa ng grupo kung magiging makahulugan at makatotohanan ang surprise gift sa mga mangagawa.

Dapat din aniyang mabigyang-linaw na ng Punong Ehekutibo ang polisya ng kontraktuwalisasyon dahil sa aniya’y taliwas na aksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kamakailan, matatandaang inilabas ng DOLE ang Department Order 174 na sinasabing nagpapatuloy ng kontraktuwalisasyon sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.