Patay ang isang tricycle driver at pasahero nito nang masagasaan ng isang cargo truck sa Alaminos City, Pangasinan.
Kinilala ang dalawang nasawi na sina Jomar Ruis, tricycle driver, 27 years old at kanyang back rider na si Marjun Reginez.
Ayon sa otoridad, tumilapon ang tricycle driver at back rider nito nang mabangga ng cargo truck sa highway sa Barangay Palamis.
Sinabi ni SPO2 Brian dela Cruz, police investigator, na died on the spot si Ruis habang si Reginez naman ay binawian ng buhay habang isinusugod sa ospital.
May dala aniyang semento ang naturang truck na idedeliver sana sa bayan ng Mabini nang maganap ang aksidente.
Bukod sa dalawang nasawi, dalawa din ang sugatan na nakilalang sina Raymart Bravo, 17 yrs old at Jason Bravo, 22 yrs old.
Ayon pa kay Dela Cruz, sinabi ng truck driver na si Cresencio Bautista na hindi nito napansin ang naturang tricycle nang siya ay lumiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.