8 military personnel, patay sa plane crash sa Cuba
Nasawi ang hindi bababa sa walong military personnel sa isang plane crash sa western Cuba.
Ayon sa Revolutionary Armed Forces ministry, bumagsak ang Russian-made na AN-26 transport aircraft sa mabundok na bahagi ng western Artemisa province, kung saan patay lahat ng walong sakay nito kabilang na ang crew ng eroplano.
Ang naturang eroplano ay mula sa Playa Baracoa airport na nasa labas ng Havana.
Bumagsak ito sa bundok ng Loma de la Pimienta, na 35 miles o 55 kilometers ang layo mula sa Playa Baracoa airport.
Ngayon ay nagsasagawa na ng imbestigasyon sa naging sanhi ng nagpagbagsak ng naturang eroplano.
Nagpapatuloy din ang pagrekober sa katawan ng mga biktima sa insidente.
Ayon sa isang opisyal, nagsasagawa ng “military maneuver” ang naturang eroplano nang bumagsak ito sa bundok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.