Ilang manggagawa, inaabangan ang “surprise Labor Day gift” ni Pang. Duterte bukas

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Inaabangan ng mga empleyado ang iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa selebrasyon ng Labor Day bukas.

Ayon kay Associated Labor Union spokesman Alan Tanjusay, milyun-milyong empleyado ang naghihintay sa umano’y “surprise Labor Day gift” sa employment sector.

Apela aniya ng mga trabahador sa Punong Ehekutibo na tuparin ang pangakong pagtigil sa kontraktuwalisasyon.

Kasunod ng Labor Day, sinabi ni Tanjusay na ito na ang tamang araw upang ituwid ang ilang isyung inuungkat ng mga labor groups.

Nananatili naman aniyang positibo ang mga empleyado na dudulugin ito ni Duterte.

Pagsisiwalat pa nito, magkakaroon ng pribadong dayalogo ang pangulo kasama ang ilang labor leaders bago magbigay ng pahayag sa People’s Park sa Davao City bukas.

Samantala, mahigit 20,000 empleyado ang inaasahang magmamartsa sa Mendiola upang ipaalala sa pangulo ang anila’y pangako nito.

Read more...