Indonesian Pres. Widodo, nagtungo sa Davao para sa inagurasyon ng GenSan-Bitung RoRo route
Nagtungo si Indonesian President Joko Widodo sa Davao City ngayong umaga para sa isang pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.
Bandang 7:30 kaninang umaga umalis sa Villamor Airbase ang sinakyang eroplano ni Widodo.
Pinangunahan nina Duterte at Widodo ang inagurasyon ng Super Shuttle Ro-Ro 12 na maglalayag sa mga lungsod ng Davao at General Santos patungong Bitung, Indonesia.
Bagaman mayroon nang ruta sa pagitan ng Mindanao at Indonesia, ang paglunsad sa Super Shuttle RoRo 12 ay marka ng shipping trade route ng dalawang bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang naturang RoRo route, ay isa sa pinaka importanteng commitments sa pagitan nila ni Widodo nang bumisita siya sa Indonesia noong nakaraang Setyembre.
Dahil aniya sa naturang RoRo route, mababawasan na ang shipping time ng mga produkto sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Duterte na mula sa limang linggo, maaari itong tumagal na lamang ng dalawa hanggang sa tatlong araw.
Samantala, nadelay ng isang oras ang pag-alis sa bansa ni Cambodian Prime Minister Hun Sen habang wala naman naging pagbabago sa departure flight ni Malaysian Prime Minister Najib Razak.
Kabilang ang dalawang lider ng bansa sa mga dumalo sa isinagawang 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Pasay City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.