Pilipinas, sinusundan lang ang mga bansa sa ASEAN sa death penalty
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinusundan lang ng Pilipinas ang ibang bansa sa Southeast Asia sa pagsulong nito sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan.
Ayon kay Duterte, tanging ang Pilipinas lang ang nagsuspinde sa parusang kamatayan.
Itinutulak din ni Duterte ang pagpapababa ng age of criminal responsibility dahil aniya ang kasalukuyang juvenile justice law ay hindi tumutugon sa lumalaking problema ng droga at kriminalidad sa mga kabataan.
Dagdag pa ni Duterte na ang batas na akda ni Senator Francis Pangilinan ay gumawa ng “generation of criminals.”
Aprubado na sa Kamara ng parusang kamatayan habang hindi pa tiyak ang kahihinatnan nito sa Senado.
Matatandaang opsiyal na pinawalang bisa ng Pilipinas ang parusang kamatayan noong 2006 at niratipikahan ang
Second Optional Protocol sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) na layong
pagpapawalang bisa ng death penalty sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.