TV show na “13 Reasons Why”, umani ng kritisismo

13 Reasons WhyUmani ng kritisismo ang television show na “13 Reasons Why” dahil sa depiksyon nito ng suicide ng isang teenager.

Ang 13 episodes na palabas na co-produced ng aktres at singer na si Selena Gomez ay base sa young-adult 2007 bestseller ni Jay Asher na tungkol sa isang high school student na nagpakamatay at nag-iwan ng 13 audiotapes na nagdedetalye sa mga pangyayaring naging rason ng kanyang pagkakamatay tulad ng sexual assault, substance
abuse at bullying.

Katulad ng normal na gawi ng Netflix, inilabas nito ang lahat ng episodes ng nasabing show noong March 31.

Ayon kay The Society for the Prevention of Teen Suicide Clinical Director Phyllis Alongi na hindi inirerekomenda
ang graphic details tungkol sa suicide.

Dagdag pa dito kanyang naintidihan ang posisyon ng mga producer ng show pero aniya maaring hindi maging
ligtas ito at kinakailangan na mas maging responsable.

Ipinunto ng Netflix at show creators na kumunsulta sila sa ibat ibang mental health professionals.

Read more...