Robredo aminadong squatters ang nakikinabang sa mga lupain ng gobyerno
Hindi totoo na wala nang lupa ang gobyerno para sa “in city relocation sites” para sa mga benepisyaryo ng pabahay ng pamahalaan.
Sinabi ito ni Vice President Leni Robredo sa harap ng mga delegado ng 1st United Architects of the Philippines, Student Auxiliary (UAPSA) Symposium sa SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City.
Ayon kay Robredo, sinasabi kasi ng mga developers na hindi na pwede ang in city relocation dahil bukod sa mahal ay wala nang available na lupa sa Metro Manila.
Pero base sa kanilang imbentaryo sa lahat ng lupain ng gobyerno sa loob ng Metro Manila, lumalabas na marami dito ay hindi ginagamit at hindi napapakinabangan dahil puno na ng mga squatters.
Ayon kay Robredo, marami aniyang lupa ang gobyerno na pwedeng magamit na hindi masyadong gagastusan para patayuan ng pabahay.
Maaari aniyang gawin ang mga nasabing property na mga midrise housing building na hindi na kailangan ng elevator para hindi masyadong mahal ang konstruksyon.
Pwede rin itong idaan sa public-private partnerships para makagawa ng mga low cost pero high quality community tulad ng mga onsite resettlements sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.