Ilang mga problemadong OFWs sa Saudi Arabia nakauwi na sa bansa

By Rohanissa Abbas April 29, 2017 - 05:30 PM

OFWs-Libya
Inquirer file photo

Nakabalik na sa bansa ang 25 Overseas Filipino Workers (OFWs) na ni-repatriate mula sa Riyadh ngayong araw.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nauna nang dumating ang 31 iba pang OFW noong Biyernes.

Pinondohan ng ahensya ang mga plane tickets at dokumento ng mga ito.

Tutugunan din ng OWWA ang pansamantalang tirahan ng OFWs at ang transportasyon nila pabalik sa kani-kanilang probinsya.Makakatanggap din sila ng psycho-social conselling, stress debriefing at medical referral.

Maliban dito, pagkakalooban din ang OFWs ng P10,000 halaga ng puhunang pangkabuhayan sa ilalim ng programang Balik-Pinas! Balik-Hanapbuhay ng OWWA.

Livelihood training naman ang ibibigay sa mga OFW na hindi myembro ng ahensya.

TAGS: duterte, ofw, OWWA, saudi arabia, duterte, ofw, OWWA, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.