Pagiging matatag ng mga PInoy ibinida ni Duterte sa ASEAN Summit

By Chona Yu April 29, 2017 - 03:58 PM

Asean50aIbinida ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN leaders ang pagiging resilient o pagiging matatag ng mga Pinoy.

Sa opening ceremony ng 30th ASEAN Summit sa PICC, partikular na ibinida ng pangulo kung paano bumangon ang mga Pinoy matapos salantain ng bagyong Yolanda noong 2013 na itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong kasaysayan.

Kung tutuusin ayon sa pangulo, naging wasteland ang Visayas region kung saan ay libu-libo ang mga namatay.

Pero agad aniyang bumangon ang mga Filipino para makapagsimula ng bagong buhay.

Patunay lamang ito ayon sa pangulo na kayang lagpasan ng Pilipinas ang anumang pagsubok na kahaharapin.

Kasabay nito, pinasalamatan din ng pangulo ang ASEAN leaders dahil sa pagtulong sa Pilipinas matapos manalasa ang bagyong Yolanda.

Ayon sa pangulo, tatanawin na utang na loob ng Pilipinas ang tulong na iniaabot ng mga kapit-bahay na bansa.

TAGS: Asean, duterte, PICC, yolanda, Asean, duterte, PICC, yolanda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.