31 Barangay sa Mandaluyong, San Juan, Quezon City at Pasig, mawawalan ng tubig

August 23, 2015 - 07:21 PM

Inquirer file photo

Tatlumpu’t isang barangay sa apat na syudad sa Metro Manila ang makararanas ng water interruption ngayong gabi, August 23, hanggang Lunes ng umaga, August 24.

Sa anunsyo ng Manila Water, ang interruption ay dahil sa emergency leak repairs sa bahagi ng C. Benitez at Santolan sa Quezon City, na isasagawa mula alas-9:00 PM Linggo ng gabi hanggang alas-7:00 AM, Lunes.

Ang mga lugar na apektado ng water interruption ay ang mga sumusunod:

MANDALUYONG CITY

– Highway Hills – Malamig – Barangka Drive – Barangka Itaas – Barangka Ibaba – Barangka Ilaya – Pleasant Hills – Mauway – Addition Hills – Hulo – New Zaniga – San Jose – Wack-wack

SAN JUAN CITY

– Pasadena – West Crame – Little Baguio – Addition Hills – Greenhills – Corazon de Jesus – Isabelita – Onse – St. Joseph

QUEZON CITY

– Ilang bahagi ng Valencia – Kaunlaran – Horseshoe – Bagong Lipunan – San Martin De Porres

PASIG CITY

– Ugong – San Antonio – Oranbo – Kapitolyo

Nauna nang nakaranas ng tatlong araw na water interruption ang mga customer ng Manila Water sa maraming lugar sa Kalakhang Maynila at Rizal dahil sa maintenance procudures.

Noong nakaraang August 10 hanggang 18 naman, nagkaroon ng rotating water interruption ang Maynilad sa ilang bahagi ng Metro Manila at Cavite./ Isa Avendaño-Umali

 

 

TAGS: manila water interruption, manila water interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.