Respeto at pagkakaisa laman ng opening statement ni Duterte sa ASEAN

By Chona Yu, Den Macaranas April 29, 2017 - 11:33 AM

Asean digongNaging matapang ang laman ng opening statement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 30th ASEAN Summit na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC).

Binigyan diin ng pangulo ang non-nterference o walang pakilamanan sa panloob na pamamahala ng bawa’t isang bansa.

Hindi naman direktang binanggit ng pangulo sa opening statement ang isyu sa West Philippine Sea.

Bagaman sinabi ng pangulo na daanin sa mapayapang pamamaraan ang sigalot ng magkakalapit na bansa, hindi naman nito direktang tinukoy ang problema ng Pilipinas at ilan pang claimant-countries sa mga pinag-aagawang mga isla.

“Let me say again, relations bear fruit when they are based on mutual respect and benefit… dialogue more productive if non-interference is observed”, ayon sa Pangulo.

Kinakailangan aniya na umiral ang respeto sa isa’t isa, independence sovereign equality, territorial integrity at iba pa.

Binigyang-diin rin ng pangulo na dapat ay maging sandalan ng ASEAN ang solidarity o pagkakaisa at kooperasyon ng bawat isang bansa.

Ayon sa pangulo, “Let us with brave hearts and firm mind resolve to do all we can to make our aspirations a reality”.

Idinagdag rin ni Duterte na mahalaga na magkaroon ng kooperasyon ang ASEAN countries sa maritime security, inclusive growth at iba.

Sa unang bahagi ng kanyang talumpati ay binanggit rin ng pangulo ang kampanya sa rehiyon kaugnay sa problema sa droga at hinamon niya ang bawa’t isa na makiisa sa pagdurog sa illegal drug trades.

Habang nagbibigay ng opening statement ang pangulo ay kapuna-puna naman na magkatabi at nag-uusap sina U.S Ambasasador to the Philippines Sung Kim at Chinese Ambassador Zhao Jinhua.

Nasa PICC din sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Serreno at dating Vice President Jejomar Binay.

TAGS: Asean summit, chairman, China, duterte, PICC, Asean summit, chairman, China, duterte, PICC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.