Pulis, pinalaya ng NPA sa Bukidnon

By Kabie Aenlle April 29, 2017 - 05:02 AM

CPP-NPAPinalaya ng New People’s Army (NPA) ang pulis na kanilang binihag sa loob ng mahigit dalawang buwan.

Nasa mabuting kalagayan si PO2 Gerome Anthony Natividad ay pinalaya ng mga rebelde sa Brgy. Dominorog sa bayan ng Talakag sa Bukidnon.

Dinukot ng mga rebelde si Natividad noong February 9, noong magsagawa ang NPA ng roadblock sa Brgy. Tikalaan sa parehong bayan.

Una nang iginiit ng NPA na pakakawalan lang nila si Natividad oras na ihinto ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang mga operasyon laban sa kanila.

Ayaw pumayag ng 4th Infantry Division sa hinihinging kondisyon ng NPA, ngunit nakumbinse sila ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moren, at nagpatupad ng stand-down sa mga tropa sa loob ng anim na araw sa lugar kung saan pinakawalan ang pulis.

Ayon kay Moreno, maigi nilang pinlano ang nasabing military stand-down upang walang maganap na engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde.

Naganap ang pagpapalaya kay Natividad sa kabila ng pagkalagas ng dalawang miyembro ng NPA sa pag-atakeng nangyari sa base militar sa Cateel, Davao Oriental.

Ayon kay NPA subregional command sa Compostela Valley, dalawang miyembro nila ang namatay sa pag-atake, at isang sundalo din umano ang nasawi pero itinanggi ito ng militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.