Kaso ni Mary Jane Veloso hindi natalakay sa bilateral meeting nina Duterte at Widodo
Hindi natalakay nina Pangulong Rodorigo Duterte at Indonesian President Joko Widodo sa kanilang bilateral meeting hapon ng Biyernes (April 28) ang kaso ni Mary Jane Veloso, ang Filipina na nahatulan ng kamatayan sa Indonesia dahil sa pagdadala ng illegal na droga.
Gayunman, inamin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na hindi niya mabatid kung napag-usapan ng dalawa ang kaso ni Veloso sa hiwalay na private meeting.
Una rito, sinabi ng Pangulong Duterte na susubukan niyang idiga kay Widodo ang kaso ni Veloso.
Pero kapag umayaw aniya si Widodo ay hindi na niya ito ipipilit.
Apat na beses nang ipinagpaliban ng Indonesia ang pagpapataw ng paruang kamatayan kay Veloso dahil sa panibagong development sa kaso ng kanyang recruiter na nahuli dito sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.