Sa kanyang talumpati sa ASEAN Leadership Forum sa Manila Hotel ay sinabi ni Razak na gaya ng ginagawa ng Europeans sa European Union (EU), dapat na isabuhay ng mga mamamayan ng South East Asian Nations ang ASEAN.
Ayon kay Razak, kailangang maging bahagi ng pang araw-araw na buhay ng ASEAN citizens ang diwa ng ASEAN.
Dapat din anyang ituring ang ASEAN na pangangailangan sa pagkakaisa, suporta, pagkakaibigan, lakas at mas maunlad na ekonomiya.
Dahil anya sa ASEAN ay makakamit sa susunod na limampung taon ang mga pangarap ng grupo nang itatag ito limang dekada na ang nakalipas.