Diwa ng ASEAN, dapat isabuhay ng mga mamayan sa South East Asia – Razak

By Len Montaño April 28, 2017 - 08:27 PM

Rodrigo-Duterte-with-Najib-Razak-in-Malaysia-Nov-2016Hinimok ni Malaysian Prime Minister Najib Razak ang mga mamamayan sa mga bansang nasa South East Asia na gawing source ng lakas, pag-unlad at suporta ang Association of Southeast Asian Nation (ASEAN).

Sa kanyang talumpati sa ASEAN Leadership Forum sa Manila Hotel ay sinabi ni Razak na gaya ng ginagawa ng Europeans sa European Union (EU), dapat na isabuhay ng mga mamamayan ng South East Asian Nations ang ASEAN.

Ayon kay Razak, kailangang maging bahagi ng pang araw-araw na buhay ng ASEAN citizens ang diwa ng ASEAN.

Dapat din anyang ituring ang ASEAN na pangangailangan sa pagkakaisa, suporta, pagkakaibigan, lakas at mas maunlad na ekonomiya.

Dahil anya sa ASEAN ay makakamit sa susunod na limampung taon ang mga pangarap ng grupo nang itatag ito limang dekada na ang nakalipas.

TAGS: Asean, ASEAN Leadership Forum, Malaysian Prime Minister Najib Razak, Asean, ASEAN Leadership Forum, Malaysian Prime Minister Najib Razak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.