Palaisipan sa pagkawala ni Jonas Burgos, nabuo na

By Jan Escosio April 28, 2017 - 07:49 PM

jonas-burgosMakalipas ang 10 taon unti-unti nang nabuo ang palaisipan sa pagdukot at pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos.

Sa ginanap na pagtitipon para gunitain ang isang dekada nang pagkawala ni Burgos, ibinahagi ni ginang Editha Burgos, ina ni Jonas, na sa paglipas ng mga taon ay nalaman na rin nila kung paano at kung ano ang mga dahilan sa pagdukot sa kanyang anak.

Sinabi pa ni ginang Burgos sa ngayon ang tanging inaalam na lang nila ay kung nasaan na si Jonas at kailan ito babalik sa kanila.

Ibinahagi din nito na malaking hamon pa rin sa kanila ang itinatakbo ng isinampa nilang kaso dahil hinahanap pa rin nila ang isang mahalagang testigo at ang mga isinasangkot nila sa pagkawala ng anak ay nabibigyan pa ng mahahalaga at mataas na puwesto sa gobyerno.

Dinukot ng mga hinihinalang sundalo si Burgos sa loob ng isang mall sa Quezon City sampung taon ang nakakalipas.

TAGS: Editha Burgos, Jonas Burgos, quezon city, Editha Burgos, Jonas Burgos, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.