PNP, hinamon na magsagawa ng jail audit, missing persons dumadami
Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa pambansang pulisya na magsagawa ng audit sa lahat ng mga kulungan na nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.
Ayon kay CHR Chairman Chito Gascon, hindi maisasantabi ang posibilidad na may mga katulad na secret detention facility din sa iba pang himpilan ng pulisya katulad ng nadiskubre nila sa Manila Police Station 1 sa Tondo.
Dagdag pa ni Gascon dapat ay magtulungan ang Department of Justice (DOJ) at ang PNP para papanagutin ang mga nagmintina ng nadiskubre nilang sikretong kulungan.
Sinabi pa ni Gascon na ang pangyayari ay maituturing na kaso ng enforced disappearance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.