Umakyat sa labindalawa ang kumpirmadong nasawi sa Benguet dahil sa pananalasa ng Bagyong Ineng.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Benguet Governor Nestor Fongwan na apat na bangkay ang nadagdag sa walong naunang narekober ng mga otoridad.
Ang mga biktima ay namatay dahil sa landslide partikular sa bayan ng Mankayan, Benguet.
Ayon pa kay Fongwan, maraming pinsala sa kanilang lalawigan, lalo na sa sektor ng agrikultura.
Marami ring naitatalang landslides partikular sa ‘mountainous’ na mga lugar, dahil sa patuloy ang pag-ulan.
Bukas, araw ng Lunes, idedeklara na ang state of calamity sa Benguet, at suspendido na rin ang mga klase sa lahat ng antas./ Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.