Malakanyang, doble kayod sa pagtugon sa kahirapan sa bansa
Aminado ang Palasyo ng Malakanyang na kinakailangan na lalo pang patindihin ang pagtugon ng pamahalaan sa problema sa kahirapan sa bansa.
Pahayag ito ng palasyo matapos lumabas sa social weather stations survey (SWS) na noong March 25 hanggang 28 na fifty percent (50%) sa pamilyang Filipino ang nagsabi na mahirap sila.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinakailangan ng gobyerno ng tulong sa pribasong sektor maging sa civil society at iba pang stakeholders.
Sa ngayon ayon kay Abella, pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang mga programang makatutulong sa mahihirap.
Kabilang na rito ang mas mataas na pension sa mga senior, libreng gamot sa mga mahihirap at karagdagang incentive at combat pay para sa mga pulis at sundalo.
Mayroon din aniyang gratuity pay sa mga job order at contract worker sa pamahalaan.
Sinabi pa ni Abela na sa may mga magasaka na ang nabigyan ng lupa, mga gamit sa pagsasaka at pangingisda at farm to market roads.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.