Safety advocacy group, may paalala sa paggamit ng aquatic toys

By Jan Escosio April 28, 2017 - 01:18 PM

INFLATABLE POOL
INQUIRER FILE PHOTO

Dahil long weekend at maaaring marami ang magpupunta sa beach at pool resorts, may paalala ang Ecowaste Coalition sa paggamit ng mga aquatic plastic toys.

Sinabi ni Thony Dizon, coordinator ng grupo, ang dapat bilihin ng mga magulang ay ang mga toxic free swimming toys.

Aniya maraming inflatable toys ang nagtataglay ng phthalates na nakakasama sa kalusugan.

Sinabi pa ni Dizon na dapat na sundin ang abiso ng Food and Drug Administration sa pagbili ng mga aquatic toys.

Dagdag pa nito na kailangan pa rin ang ibayong pag iingat sa paggamit maging sa toxic free inflatable toys dahil delikado pa rin ito at maaaring maging sanhi ng pagkalunod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.