Self-rated poverty rating ng mga Pinoy, tumaas

Pinoy populationLumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations na mas maraming Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap.

Base sa nasabing survey na isinagawa mula March 25 hanggang 28, 50 percent o 11.5 milyong pamilya ng mga respondents ang nagsabing mahirap ang kanilang pamilya.

Tumaas ito ng anim na puntos kumpara sa naging resulta noong survey noong December 2016.

Pumalo din sa 35 percent o katumbas ng 8.1 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay “food-poor,” na mas mataas kumpara sa 34 percent na naitala noong December 2016.

Isinagawa ang nasabing survey sa 1,200 na adults sa buong bansa sa pamamagitan ng face-to-face interview.

Read more...