Isinagawa ang nasabing survey para alamin ang kalagayan ng mga coral reefs sa pinag-aagawang teritoryo, pati na para makabuo ng nautical map nito.
Dalawang survey ships ang ginamit dito, kabilang na ang isang advanced na research vessel na nabili mula sa Amerika.
Ayon kay Esperon, partikular na isinagawa ang mga nasabing surveys sa paligid ng Scarborough Shoal, at sa tatlong mga isla kabilang na ang Thitu Island sa Spratly group.
Dagdag pa ni Esperon, ginawa ito ng Pilipinas bilang pagtupad na rin sa responsibilidad nito sa U.N. Convention of the Law of the Sea.
Wala naman nang iba pang ibinigay na detalye si Esperon tungkol sa resulta ng survey.