Scientific survey ng Pilipinas sa South China Sea, natapos na

By Kabie Aenlle April 28, 2017 - 11:14 AM

china south china seaKinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na natapos na ng Pilipinas ang labinwalong araw na scientific survey na isinagawa sa South China Sea.

Isinagawa ang nasabing survey para alamin ang kalagayan ng mga coral reefs sa pinag-aagawang teritoryo, pati na para makabuo ng nautical map nito.

Dalawang survey ships ang ginamit dito, kabilang na ang isang advanced na research vessel na nabili mula sa Amerika.

Ayon kay Esperon, partikular na isinagawa ang mga nasabing surveys sa paligid ng Scarborough Shoal, at sa tatlong mga isla kabilang na ang Thitu Island sa Spratly group.

Dagdag pa ni Esperon, ginawa ito ng Pilipinas bilang pagtupad na rin sa responsibilidad nito sa U.N. Convention of the Law of the Sea.

Wala naman nang iba pang ibinigay na detalye si Esperon tungkol sa resulta ng survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.