Nakilala ang mga suspek na sina Salongbai Utto, Zainab Palacala, at Marlo Renutar.
Huli sa akto ng mga operatiba ng Taguig Police Community Precinct 2 ang mga suspek na nagpa-‘pot session’ sa loob ng isang bahay sa Legazpi St.
Nakuha sa mga suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na hindi bababa sa tatlong gramo ang timbang, isang digital weighing scale, at mga drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES