UNA umaasang buo pa rin ang trio nina JPE, Erap at Binay sa 2016 elections

August 23, 2015 - 04:28 PM

Inquirer file photo

Umaasa si United Nationalist Alliance o UNA President at Navotas Rep. Toby Tiangco na magiging buo ang tatlong haligi ng kanilang partido para sa 2016 Presidential Elections.

Ang tinutukoy ni Tiangco ay sina Vice President Jejomar Binay, Senador Juan Ponce Enrile at Dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, inamin ni Tiangco na may narinig siyang ulat hinggil sa plano ni Mayor Erap na kumandidatong muli sa pagka-pangulo sa 2016 Polls at ang gustong katambal nito ay si Senadora Grace Poe.

Para kay Tiangco, marapat na mismong si Estrada na ang magsabi kung ano ang kanyang tunay na balak sa halalan, pero mas mainam daw kung hindi kakalas ang dating Presidente sa UNA upang magiging buo pa rin ang tatlong halagi ng kanilang partido.

Paalala ni Tiangco, sina Binay, Enrile at Estrada ang bumuo ng koalisyon ng UNA noong halalan 2013, at mula noon ay naging malakas na opposition party.

“Ang UNA, paano na natatag noong 2013? Hindi magkakaroon ng UNA kung hindi nagsama ang tatlong haligi, sina Vice President Binay, Senator Enrile, President Mayor Estrada. So mas maganda sa 2016, buo pa rin ang tatlong haligi,” ani Tiangco.

Tiniyak naman ni Tiangco na sakaling ituloy ni Estrada ang pagsabak muli sa Presidential Race, si VP Binay pa rin daw ang standard bearer ng UNA./Isa Avendano-Umali

 

 

TAGS: 2016 elections, Erap Estrada, Juan Ponce Enrile, Rep. Toby Tiangco, UNA, united nationalist alliance, Vice President Jejomar Binay, 2016 elections, Erap Estrada, Juan Ponce Enrile, Rep. Toby Tiangco, UNA, united nationalist alliance, Vice President Jejomar Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.