Simbahan todo-bantay sa panukalang pagbuhay sa death penalty

death-penalty-0517Hindi pa rin nagpapasiguro ang simbahang katoliko na wala ng pag-asa pa na maibalik ang parusang kamatayan sa bansa dahil mas maraming senador ang tutol dito.

Sinabi ni Father Jerome Secillano, Executive Secretary ng Permanent Committee on Public Affairs na hindi pa tapos ang laban hanggang wala pang botohan.

Ayon pa kay Secillano, hindi na rin sila nasorpresa sa pahayag ni Senate minority leader Frank Drilon na mamamatay lang sa Senado ang death penalty bill na nakalusot sa mababang kapulungan.

Aniya noon pa man ay mas maraming senador ang tutol sa pagbabalik ng parusang kamatayan.
Dagdag pa ni Secillano na umaasa sila na hindi magpapadala sa political pressures ang iba pang senador para paboran ang naturang panukala.

Read more...