Hindi naniniwala si PNP Chief Ronald dela Rosa sa depensa ni Supt. Maria Cristina Nobleza na nagtratrabaho siya bilang deep penetration agent (DPA) ng pamahalaan para ma-infiltrate Abu Sayyaf Group.
Ito ang sinabi ni Dela Rosa matapos niyang personal na makausap ang nakadetineng PNP official sa Camp Crame.
Ayon kay Dela Rosa, hindi otorisado ng PNP si Nobleza na magsagawa ng ganoong klaseng operasyon at ang kanyang pakikiapid sa Abu Sayyaf bomb maker na si Reenor Lou Dongon ay sariling diskarte niya.
Sa paliwanag umano ni Nobleza kay Dela Rosa, tinulungan niya si Dongon na saklolohan ang isang bandidong ASG na nagtatago sa Bohol para bumango si Dongon sa terroristang grupo.
Ayon pa umano kay Nobleza, ito ay para maibalik ang tiwala ng ASG kay Dongon at maisama siya sa mga sensitibong operasyon ng grupo.
Kapag nangyari ito ani Nobleza ay matitiktikan niya ang pagkilos ng mga bandido dahil sa relasyon niya kay Dongon.
Pero iginiit ni Dela Rosa na kwestionable ang loyalty ni Nobleza at kung ganito nga ang plano niya ay dapat ipinaalam kaagad ito ni Nobleza sa PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.