Duktor patay, 14 sugatan sa aksidente sa Tagum City

By Den Macaranas April 27, 2017 - 04:18 PM

tagumPatay ang isang duktor samantalang labing-apat na iba pa ang sugatan makaraang maaksidente ang kanilang sinasakyang van sa Barangay Conocotan sa Tagum City, Davao Del Norte.

Nasa Tagum City ang mga biktima para sa isang medical mission.

Sinabi ni Benguet Electric Cooperative Director Rocky Aliping na karamihan sa mga sugatan ay taga-Baguio City.

Kinilala ang namatay na duktor na si Dra. Brigida Claro, pinuno ng Internal Medicine ng Baguio General Hospital and Medical Center at residente sa bayan ng Tuba, Benguet.

Nagtamo naman ng mga sugat sa kanilang mga katawan ang mga nurses na kasama ni Claro sa loob ng van.

Patungo ang mga biktima sa Davao Regional Hospital nang mawalan ng kontrol ang tsuper nito makaraang mag-overtake sa isa pang sasakyan.

Ang ilan sa mga biktima ay dinala sa iba’t ibang mga pagamutan sa Tagum City.

TAGS: benguet power cooperative, medical mission, tagum city, benguet power cooperative, medical mission, tagum city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.